Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Mga Taga-Tesalonica 4:13
Kapighatian
5 Araw
Ang kapighatian ay waring hindi kayang tiisin. Bagama't may mga kaibigang nagmamalasakit at mga kapamilyang naghahandog ng tulong at pampasigla ng kalooban, madalas pa rin nating nararamdamang walang nakakaunawa sa atin—na tayo'y nag-iisa sa ating pagdurusa. Sa planong ito, matatagpuan ninyo ang mga talata mula sa Banal na Kasulatan na magbibigay ng kaaliwan upang tulungan kayong tumingin mula sa wastong pananaw ng Diyos, maramdaman ang matinding pagmamalasakit ng ating Tagapagligtas para sa iyo, at maranasan ang kaginhawahan mula sa iyong nararamdamang kirot.
Katagumpayan Laban sa Kamatayan
7 Araw
Lagi tayong sinasabihan, "Isa lang itong parte ng buhay," Ngunit ang mga salitang ito ay hindi nakakabawas ng sakit na dulot ng pagkawala ng isang mahal sa buhay. Matuto tayong lumapit sa Diyos kapag nakakaharap ang isa sa mga napakahirap na hamon sa buhay.
Pagharap sa Dalamhati
10 Araw
Kapag ang isang taong minamahal natin ay namatay, madalas ay maraming iba't ibang emosyon ang ating nararamdaman. Sa 10-araw na debosyonal na ito, matututunan natin kung paano natin kakayanin ang kalungkutan kapag ang ating mga mahal sa buhay ay kasama na ng Panginoon. Ang mga ito ay mga araling itinuro sa akin ng Panginoon nang ang aking pinakamamahal na asawa ay umuwi na sa langit noong katapusan ng Hunyo 2021.
1 Mga Tesalonica
14 Araw
“Narinig mo ba na babalik si Jesus?”—iyan ang paalala sa unang liham na ito sa mga taga-Tesalonica, na humahamon sa lahat na “magpakahusay pa” sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Tesalonica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.