Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Pedro 1:13
Abide: Prayer & Fasting Filipino
7 Araw
Sa simula ng bawat taon, naglalaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Ngayong taon, pagtutuunan natin ng pansin ang salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, nakikilala natin Siya at tayo ay nakakaranas ng pagbabago at nagkakaroon ng kakayahang mamuhay para sa Kanya.
Set Apart | Isang Biblikal na Pananaw sa Kabanalan
7 Araw
Sa simula ng bawat taon, maglaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Sa panahong ito, tingnan natin kung paano tayo tinawag ng Diyos na tanggapin ang Kanyang biyaya upang tayo ay maging banal at mamuhay para kay Cristo.
NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY NAGREREBELDE
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay nagrerebelde. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay.
Pagtataas sa Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng Biblia
8 Araw
Ang pagtataas sa antas ng ating pamumuno ay kritikal ngayon. Dapat nating palakihin, palabisin, palawakin, at palaguin ang kapasidad ng ating pamumuno sa paglayag sa nagbabagong kapaligiran. Ang mabilis na pag-iiba ng teknolohiya, pagbabago ng kawani/dinamika ng grupo, at pabagu-bagong ekonomiya ay ilan lamang sa mga suliranin na ating makakatagpo. Ngunit huwag isipin na ang pagtataas sa antas ng pamumuno ay para lamang sa lugar ng trabaho. Dapat din nating itaas ang antas ng ating pamumuno sa tahanan at sa ating mga relasyon. Magsimula ngayon upang magkaroon ng praktikal at makabuluhang kaunawaan sa pamumuno.
2 Pedro
14 Araw
Ang Ikalawang sulat mula kay Pedro ay tungkol sa biyaya ng Diyos - kung paano tayo iniligtas, kung paano tayo pinanatili nito at kung paano tayo mabubuhay dito - sa kabila ng sinasabi ng mga bulaang guro. Araw-araw na paglalakbay sa 2 Pedro habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
1 Pedro
15 Araw
Kung nagdurusa ka para kay Jesus, ang unang liham na ito mula kay Pedro ay hinihikayat ka na sumusunod ka sa mga yapak ni Jesus, na unang nagdusa para sa atin. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Pedro habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon
30 Araw
Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha man itong imposible, ngunit magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong likas na damdamin bilang tao at kung paano mo ito mapapamahalaan. Saklaw ng debosyonal na ito ang mga karaniwan at kung minsan ay mga hindi pangkaraniwan mga paghamon na hinaharap natin sa bawat araw, at nagbibigay ng mga sangguniang babasahin mula sa Biblia tungkol sa kung paanong mapapamahalaan ang iyong damdamin sa paraan ng Diyos.