Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Mga Taga-Corinto 3:8
Magpanibago Pagkatapos ng Muling Pagkabuhay: Isang Gabay sa Pagpapahinga para sa Mga Pastor Mula sa YouVersion
3 Araw
Dahil ang mga dumadalo ay karaniwang dumadarami sa Linggo na ipinagdiriwang ng mga Cristiano ang Muling Pagkabuhay ni Jesus, ang katapusang linggong ito ang isa sa pinakamapagpala — at pinakamapanghamon — na panahon ng taon para sa mga namumuno sa iglesia. Ginawa namin ang audio na gabay na YouVersion Rest Plan upang tulungan ang mga manggagawa ng simbahan na ipagdiwang ang lahat ng ginawa ng Diyos, magpahinga mula sa gawain ng paghahanda at paggawa, at magpanibago para sa darating pang pagmiministeryo.
21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan
21 Araw
Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.