Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Mga Taga-Corinto 13:3
Magmahal at Patuloy na Magmahal
3 Araw
Ang pagdiriwang ng pag-ibig ay higit pa sa isang bukod tanging petsa; ito ay isang buhay na patuloy na nagpapaalala sa iba na ang pag-ibig ng Diyos ay dumating upang pagalingin, ibalik, at bigyan tayo ng buhay na nagpapahayag ng Kanyang kabutihan. Inaanyayahan kita na maglakbay sa isang tatlong araw na pag-aaral sa kung ano ang kinakatawan ng pag-ibig at kung paano ang pagmamahal sa iba tulad ng nilalayon sa atin ng Diyos.
Mga Binhi: Ano at Bakit
4 na Araw
Ang mga buto, sila'y nasa lahat ng dako. Ang iyong mga salita, ang iyong pera, ang iyong mga anak at maging ikaw, ang iyong sarili, ay isang binhi! Paano gumagana ang mga butong ito at bakit ito dapat na mahalaga sa atin? Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Biblia at tuklasin kung paano ito magagamit sa ating buhay upang ilapit tayo sa Diyos at sa Kanyang layunin para sa atin.
Pag-ibig at Pag-aasawa
5 Araw
Sa pamamagitan ng pagtuon sa ating pag-aasawa sa loob ng konteksto ng Kasulatan, pinapayagan natin ang Panginoong magpakita ng mga bagong kaisipan tungkol sa ating mga ugnayan. Ang Babasahing Gabay na Pag-ibig at Pag-aasawa ay naghahandog ng isang talata ng Bibliya na maari ninyong gamiting mag-asawa upang pag-usapan. Ang limang-araw na planong ito ay isang maikling hakbangin papunta sa habang buhay na matibay na samahan.
Ang Tibok ng Puso ng Diyos
30 Araw
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.