Salmo 23
23
Salmo 23
Awit na isinulat ni David.
1Ang Panginoon ang aking pastol,
hindi ako magkukulang ng anuman.
2Pinagpapahinga niya ako
sa malagong damuhan,
inaakay niya ako patungo
sa tahimik na batisan.
3Binibigyan niya ako
ng panibagong kalakasan.
Pinapatnubayan niya ako
sa tamang daan,
upang siyaʼy aking maparangalan.
4Dumaan man ako sa madilim
na libis ng kamatayan,
hindi ako matatakot
dahil kayoʼy aking kasama.
Ang inyong pamalo#23:4 pamalo: Ginagamit ng pastol upang itaboy ang mga mababangis na hayop. at tungkod
ang sa akiʼy umaaliw.
5Ipinaghahanda nʼyo ako ng piging
sa harap ng aking mga kaaway.
Pinapahiran nʼyo ng langis ang aking ulo.
At hindi nauubusan ng laman
ang aking inuman.
6Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo
ay mapapasaakin
habang akoʼy nabubuhay.
At akoʼy maninirahan#23:6 maninirahan: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, babalik.
sa inyong tahanan,#23:6 sa inyong tahanan: Maaaring ang ibig sabihin, sa templo o sa tahanan ng Diyos sa langit.
aking Panginoon, magpakailanman.
Iliyochaguliwa sasa
Salmo 23: ASD
Kuonyesha
Shirikisha
Nakili

Je, ungependa vivutio vyako vihifadhiwe kwenye vifaa vyako vyote? Jisajili au ingia
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.