1
Genesis 4:7
Ang Salita ng Dios
Kung mabuti lang ang ginawa mo, maligaya ka sana. Pero mag-ingat ka! Dahil kung hindi mabuti ang ginagawa mo, ang kasalanan ay maghahari sa iyo. Sapagkat ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nagbabantay sa iyo para tuklawin ka. Kaya kailangang talunin mo ito.”
Vergelijk
Ontdek Genesis 4:7
2
Genesis 4:26
Nang bandang huli, si Set ay nagkaroon din ng anak na lalaki na pinangalanan niyang Enosh. Nang panahong isinilang si Enosh, ang mga taoʼy nagsimulang tumawag sa pangalan ng PANGINOON.
Ontdek Genesis 4:26
3
Genesis 4:9
Pagkatapos, nagtanong ang PANGINOON kay Cain, “Nasaan ang kapatid mo?” Sumagot si Cain, “Ewan ko, hindi ko alam kung nasaan siya. Bakit, ako ba ang tagapagbantay niya?”
Ontdek Genesis 4:9
4
Genesis 4:10
Sinabi ng PANGINOON kay Cain, “Ano ang iyong ginawa? Ang dugo ng kapatid moʼy parang tinig na nagmamakaawa na parusahan ko ang taong pumatay sa kanya.
Ontdek Genesis 4:10
5
Genesis 4:15
Pero sinabi ng PANGINOON kay Cain, “Hindi iyan mangyayari sa iyo! Sapagkat ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko ng pitong beses.” Kaya nilagyan ng PANGINOON ng palatandaan si Cain para hindi siya patayin ng kahit sinong makakakita sa kanya.
Ontdek Genesis 4:15
Thuisscherm
Bijbel
Leesplannen
Video's