Genesis 5
5
Ang mga Lahi ni Adan hanggang kay Noe
(1~Cro. 1:1‑4)
1Ito ang kasaysayan na isinulat tungkol sa pamilya ni Adan.
Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya silang kawangis niya. 2Nilikha niya ang lalaki at babae, at binasbasan niya sila at tinawag na “tao.”
3Nang 130 taóng gulang na si Adan, isinilang ang kanyang anak na kawangis niya. Pinangalanan niya itong Set. 4Matapos isilang si Set, nabuhay pa si Adan ng walong daang taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 5Namatay siya sa edad na 930.
6Nang 105 taóng gulang na si Set, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enos. 7Matapos isilang si Enos, nabuhay pa si Set ng 807 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 8Namatay siya sa edad na 912.
9Nang siyamnapung taóng gulang na si Enos, isinilang ang anak niyang lalaki na si Kenan. 10Matapos isilang si Kenan, nabuhay pa si Enos ng 815 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 11Namatay siya sa edad na 905.
12Nang pitumpung taóng gulang na si Kenan, isinilang ang anak niyang lalaki na si Mahalalel. 13Matapos isilang si Mahalalel, nabuhay pa si Kenan ng 840 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 14Namatay siya sa edad na 910.
15Nang animnapuʼt limang taóng gulang na si Mahalalel, isinilang ang anak niyang lalaki na si Jared. 16Matapos isilang si Jared, nabuhay pa si Mahalalel ng 830 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 17Namatay siya sa edad na 895.
18Nang 162 taóng gulang na si Jared, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enoc. 19Matapos isilang si Enoc, nabuhay pa si Jared ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 20Namatay siya sa edad na 962.
21Nang animnapuʼt limang taóng gulang na si Enoc, isinilang ang anak niyang lalaki na si Metusela. 22Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng tatlong daang taon na may malapit na relasyon sa Diyos at nadagdagan pa ang kanyang mga anak. 23Sa kabuuan, nabuhay si Enoc ng 365 taon. 24Namuhay siyang may malapít na relasyon sa Diyos bago siya nawala, dahil kinuha siya ng Diyos.#5:22‑24 dahil kinuha siya ng Diyos: Kahit hindi pa siya namamatay.
25Nang 187 taóng gulang na si Metusela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Lamec. 26Matapos isilang si Lamec, nabuhay pa si Metusela ng 782 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 27Namatay siya sa edad na 969.
28Nang 182 taóng gulang na si Lamec, isinilang ang isa niyang anak na lalaki. 29Sinabi niya, “Ang anak kong ito ay makakatulong sa mga kahirapan natin dahil sa pagsumpa ng Panginoon sa lupa, kaya papangalanan ko siyang Noe#5:29 Noe: Maaaring ang ibig sabihin, makakatulong o nagpapalakas..” 30Matapos isilang si Noe, nabuhay pa si Lamec ng 595 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 31Namatay siya sa edad na 777.
32Nang limandaang taóng gulang na si Noe, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Shem, Ham, at Jafet.
လက်ရှိရွေးချယ်ထားမှု
Genesis 5: ASD
အရောင်မှတ်ချက်
မျှဝေရန်
ကူးယူ

မိမိစက်ကိရိယာအားလုံးတွင် မိမိအရောင်ချယ်သောအရာများကို သိမ်းဆည်းထားလိုပါသလား။ စာရင်းသွင်းပါ (သို့) အကောင့်ဝင်လိုက်ပါ
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.