Ngayon, narinig ng Diyos ang iyak ng bata. Kaya sinabi ng anghel ng Diyos kay Hagar mula roon sa langit, “Ano ang gumugulo sa iyo Hagar? Huwag kang matakot; narinig ng Diyos ang iyak ng anak mo. Tumayo ka at ibangon mo ang bata, dahil gagawin kong malaking bansa ang kanyang mga lahi.”