Logo ya YouVersion
Elilingi ya Boluki

Genesis 10

10
Ang mga Lahi ng mga Anak ni Noe
(1~Cro. 1:5‑23)
1Ito ang salaysay tungkol sa mga pamilya ng mga anak ni Noe na sina Shem, Ham at Jafet. Nagkaroon sila ng mga anak pagkatapos ng baha.
Ang mga Lahi ni Jafet
2Ang mga lalaking anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Mesec at Tiras.
3Ang mga anak ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat at Togarma.
4Ang mga anak naman ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim.#10:4 Dodanim: O Rodanim. 5Ito ang mga lahi ni Jafet. Sila ang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga dalampasigan at mga isla. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lugar na sakop ng bansa nila, at may sarili silang wika.
Ang mga Lahi ni Ham
6Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim,#10:6 Mizraim: Sa Hebreo, Ehipto. Put at Canaan.
7Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca.
Ang mga anak ni Raama ay sina Saba at Dedan.
8May isa pang anak si Cus na ang pangalan ay Nimrod. Siya ay isang magiting na mandirigma sa daigdig. 9Alam ng Panginoon#10:9 Alam ng Panginoon: Sa literal, sa harapan ng Panginoon. Maaaring ang ibig sabihin, tanyag siyang lubos. na mahusay siyang mangangaso; dito nanggaling ang kasabihang, “Katulad ka ni Nimrod na alam ng Panginoon na mahusay na mangangaso.” 10Ang unang kaharian na pinamahalaan ni Nimrod ay ang Babilonia, Erec, Acad. Ang lahat ng ito#10:10 Ang lahat ng ito: O, lugar na Calne. ay sakop ng Sinar. 11Mula sa mga lugar na iyon, pumunta siya sa Asiria at itinayo ang Nineve, Rehobot-ir, Cale, 12at Resen na nasa gitna ng Nineve at ng Cale na isang tanyag na lungsod.
13Si Mizraim ang ninuno ng mga Ludim, Anamim, Lehabim, at Naftuhim, 14pati ang mga Patrusim, Caslusim at Caftorim na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.
15Si Canaan ang ama ni Sidon, na kanyang panganay at pinagmulan ng mga Sidoneo. Si Canaan din ang ninuno ng mga Heteo#10:15 Heteo Si Het na kapatid ni Sidon ang kanilang ninuno., 16Jebuseo, Amoreo, Gergeseo, 17Heveo, Araceo, Sineo, 18Arvadeo, Zemareo, at Hamateo.
Sa bandang huli, nangalat ang mga lahi ni Canaan. 19Ang hangganan ng kanilang lupain ay mula sa Sidon papuntang Gerar hanggang sa Gaza, at umabot sa Sodoma, Gomora, Adma, Zeboim at hanggang sa Lasa.
20Ito ang mga lahi ni Ham. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa kanilang sariling lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.
Ang mga Lahi ni Shem
21Si Shem na nakatatandang kapatid ni Jafet ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki. Si Shem ang pinagmulan ng lahat ng mga lahi ni Heber.#10:21 Heber: Ang pangalang ito ay may kaugnayan sa pangalang Hebreo.
22Ang mga lalaking anak ni Shem
ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram.
23Ang mga anak na lalaki ni Aram
ay sina Uz, Hul, Geter at Mas.
24Si Arfaxad ang ama ni Shela,
at si Shela ang ama ni Heber.
25May dalawang anak na lalaki si Heber.
Ang isa ay pinangalanang Peleg,#10:25 Peleg: Ang ibig sabihin, pagkahati-hati. dahil noong panahon niya, ang daigdig ay nahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joctan.
26Si Joctan ang ama nina
Almodad, Selef, Hazarmavet, Jera, 27Hadoram, Uzal, Dicla, 28Obal, Abimael, Seba, 29Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ay mga lalaking anak ni Joctan.
30Ang lupaing tinitirhan nila ay mula sa Mesha at papunta sa Sefar, sa kaburulan sa silangan.
31Ito ang mga lahi ni Shem. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.
32Ito ang lahat ng lahi ng mga anak ni Noe, na nasa ibaʼt ibang bansa. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa buong mundo pagkatapos ng baha.

Currently Selected:

Genesis 10: ASD

Tya elembo

Kabola

Copy

None

Olingi kobomba makomi na yo wapi otye elembo na baapareyi na yo nyonso? Kota to mpe Komisa nkombo