1
GENESIS 37:5
Ang Biblia, 2001
Minsan ay nanaginip si Jose at nang isalaysay niya ito sa kanyang mga kapatid, lalo pa silang napoot sa kanya.
Համեմատել
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:5
2
GENESIS 37:3
Minahal ni Israel si Jose nang higit kaysa lahat niyang anak, sapagkat siya ang anak ng kanyang katandaan at siya'y gumawa ng isang mahabang damit na kanyang suot.
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:3
3
GENESIS 37:4
Nakita ng kanyang mga kapatid na siya'y minahal ng kanilang ama nang higit kaysa lahat niyang mga kapatid; at siya'y kinapootan nila at hindi sila nakipag-usap nang payapa sa kanya.
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:4
4
GENESIS 37:9
Nagkaroon pa siya ng ibang panaginip at isinalaysay sa kanyang mga kapatid, at sinabi, “Ako'y nagkaroon ng isa pang panaginip: ang araw, ang buwan, at ang labing-isang bituin ay yumuko sa akin.”
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:9
5
GENESIS 37:11
At ang kanyang mga kapatid ay nainggit sa kanya, subalit pinag-isipan ng kanyang ama ang bagay na iyon.
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:11
6
GENESIS 37:6-7
Sinabi niya sa kanila, “Pakinggan ninyo ngayon itong aking napanaginip. Tayo'y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid, nang tumayo ang aking bigkis at tumindig nang matuwid. At ang inyong mga bigkis ay pumalibot at yumuko sa aking bigkis.”
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:6-7
7
GENESIS 37:20
Halikayo, patayin natin siya at itapon natin sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, ‘Nilapa siya ng isang masamang hayop;’ at tingnan natin kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip.”
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:20
8
GENESIS 37:28
Dumaan ang mga mangangalakal na mga Midianita; at kanilang iniahon si Jose sa balon, at siya'y ipinagbili sa mga Ismaelita sa halagang dalawampung pirasong pilak. At dinala nila si Jose sa Ehipto.
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:28
9
GENESIS 37:19
At sinabi nila sa isa't isa, “Tingnan ninyo, dumarating ang mahilig managinip.
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:19
10
GENESIS 37:18
Kanilang natanawan siya sa malayo, at bago siya nakalapit sa kanila ay nagsabwatan sila laban sa kanya na siya'y patayin.
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:18
11
GENESIS 37:22
Sinabi ni Ruben sa kanila, “Huwag kayong magpadanak ng dugo. Ihulog ninyo siya sa balong ito na nasa ilang, subalit huwag ninyong pagbuhatan ng kamay;” upang siya'y kanyang mailigtas sa kanilang kamay at maibalik sa kanyang ama.
Ուսումնասիրեք GENESIS 37:22
Գլխավոր
Աստվածաշունչ
Ծրագրեր
Տեսանյութեր