Genesis 7

7
1Sinabi ng Panginoon kay Noe, “Pumasok ka sa barko kasama ang iyong buong pamilya. Sapagkat sa lahat ng tao sa henerasyong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid. 2Magdala ka ng pitong pares sa bawat uri ng malinis#7:2 malinis: Ang ibig sabihin, maaaring ihandog o kainin. na hayop, ngunit isang pares lang sa bawat uri ng maruming hayop. 3At magdala ka rin ng pitong pares sa bawat uri ng ibon. Gawin mo ito upang mabuhay sila sa daigdig. 4Sapagkat pitong araw mula ngayon, magpapaulan ako sa buong daigdig nang apatnapung araw at apatnapung gabi, upang lipulin ang lahat ng nilikha ko sa balat ng lupa.”
5Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa kanya.
6Si Noe ay animnaraang taóng gulang na nang bumaha sa daigdig. 7Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak niyang lalaki at ang mga asawa nila upang hindi sila mamatay sa baha. 8Mga pares ng malinis at maruming hayop, ng mga ibon at ng lahat ng nilalang na gumagalaw sa lupa 9ay dumating kay Noe at pumasok sa barko, magkakapares na lalaki at babae, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe. 10At pagkalipas ng pitong araw, bumaha nga sa daigdig.
11Nang si Noe ay 600 taóng gulang, sa ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, umulan nang napakalakas at umapaw ang lahat ng bukal. Si Noe ay animnaraang taóng gulang na noon. 12Umulan sa mundo sa loob nang apatnapung araw at apatnapung gabi.
13Noong mismong araw na nagsimulang umulan, pumasok sa barko si Noe, ang asawa niya at ang tatlo nilang anak na sina Shem, Ham at Jafet kasama ang mga asawa nila. 14Kasama rin nila ang lahat ng uri ng nilalang: mga hayop na maiilap at maaamo, mga gumagapang at lumilipad. 15Pares-pares na dumating ang lahat ng nilalang na ito kay Noe at pumasok sa barko. 16Ang mga pares na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng uri ng nilalang ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ng Panginoon ang pinto ng barko.
17Bumaha sa daigdig sa loob ng apatnapung araw. Habang tumataas ang tubig, inaangat naman nito ang barko mula sa lupa. 18Dumagsa ang tubig at pataas ito nang pataas, at lumulutang naman ang barko sa ibabaw nito. 19Tumaas pa nang lubusan ang tubig hanggang sa matakpan ang lahat ng matataas na bundok sa ilalim ng langit. 20At nang tumaas ang tubig at tinakpan ang mga bundok, halos pitong metro ang taas nito mula sa tuktok ng pinakamataas na bundok. 21Kaya namatay ang lahat ng may buhay sa lupa: ang mga ibon, mga hayop na maaamo at maiilap, lahat ng nilalang na gumagapang sa lupa, at lahat ng tao. 22Namatay ang lahat ng nabubuhay sa lupa. 23Nalipol ang lahat ng nilalang sa ibabaw ng lupa: ang mga tao, mga hayop, mga nilalang na gumagalaw sa lupa, at mga ibon. Si Noe lang ang at ang mga kasama niya sa loob ng barko ang hindi namatay.
24Tumagal ang baha sa daigdig sa loob ng 150 araw.

Chwazi Kounye ya:

Genesis 7: ASD

Pati Souliye

Pataje

Kopye

None

Ou vle gen souliye ou yo sere sou tout aparèy ou yo? Enskri oswa konekte