1
Marcos 13:13
Magandang Balita Biblia
Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang manatiling matatag hanggang sa wakas ang siyang maliligtas.”
Vertaa
Tutki Marcos 13:13
2
Marcos 13:33
Mag-ingat kayo at maging handa dahil hindi ninyo alam kung kailan ito mangyayari.
Tutki Marcos 13:33
3
Marcos 13:11
Kapag kayo'y dinakip nila at nilitis, huwag kayong mabahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sabihin ninyo ang mga salitang ibibigay sa inyo, sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
Tutki Marcos 13:11
4
Marcos 13:31
Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.”
Tutki Marcos 13:31
5
Marcos 13:32
“Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito.
Tutki Marcos 13:32
6
Marcos 13:7
Huwag kayong mababagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga usap-usapan tungkol sa digmaan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas.
Tutki Marcos 13:7
7
Marcos 13:35-37
Gayundin naman, magbantay kayong lagi dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng sambahayan. Ito'y maaaring sa takipsilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya'y sa umaga. Baka siya'y biglang dumating at maratnan kayong natutulog. Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat. Maging handa kayo!”
Tutki Marcos 13:35-37
8
Marcos 13:8
Sapagkat maglalaban-laban ang mga bansa at ang mga kaharian. Lilindol sa iba't ibang dako, at magkakaroon ng mga taggutom. Ang mga ito'y pasimula pa lamang ng paghihirap na tulad ng nararanasan ng isang nanganganak.
Tutki Marcos 13:8
9
Marcos 13:10
Ngunit kailangan munang maipangaral sa lahat ng bansa ang Magandang Balita.
Tutki Marcos 13:10
10
Marcos 13:6
Maraming darating at gagamitin ang aking pangalan. Sila ay magpapanggap na sila ang Cristo, at ililigaw nila ang marami.
Tutki Marcos 13:6
11
Marcos 13:9
“Mag-ingat kayo! Sapagkat kayo'y darakpin at isasakdal sa mga Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, hahagupitin sa mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa inyong pagsunod sa akin, upang magpatotoo sa kanila.
Tutki Marcos 13:9
12
Marcos 13:22
Sapagkat may mga magpapanggap na Cristo at may mga magpapanggap na propeta. Magpapakita sila ng mga himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos.
Tutki Marcos 13:22
13
Marcos 13:24-25
“Subalit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at magugulo ang mga kapangyarihan sa kalawakan.
Tutki Marcos 13:24-25
Koti
Raamattu
Suunnitelmat
Videot