ইউভার্শন লোগো
সার্চ আইকন

Genesis 6:1-4

Genesis 6:1-4 ASD

Hindi nagtagal, dumami ang mga tao sa mundo, at marami silang mga anak na babae. Nakita ng mga lalaking anak ng Diyos na ang mga babae ay magaganda. Kaya pumili sila ng magiging asawa nila sa sinumang maibigan nila. Ngayon, sinabi ng PANGINOON, “Hindi ko papayagang mabuhay ang tao nang matagal dahil silaʼy tao lamang. Kaya mula ngayon, ang tao ay mabubuhay nang hindi hihigit sa 120 taon.” Nang panahong iyon, at kahit pagkatapos noon, may mga higante na nakatira sa lupa. Sila ang lahi ng mga lalaking anak ng Diyos na nakipagtalik sa mga anak na babae ng tao. Silaʼy makapangyarihan at kilalang tao noong unang panahon.