Mga Taga-Galacia 2:15-16
Mga Taga-Galacia 2:15-16 MBBTAG12
Kami nga'y ipinanganak na Judio at hindi makasalanang Hentil. Gayunman, alam naming ang tao'y pinapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo, at hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Kaya't kami ay sumampalataya kay Cristo Jesus upang mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya, at hindi sa pamamagitan ng Kautusan. Sapagkat walang taong pinapawalang-sala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.