YouVersion Logo
Search Icon

EXODO 31:2-5

EXODO 31:2-5 ABTAG01

“Tingnan mo, aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda. Aking pinuspos siya ng Espiritu ng Diyos, may kakayahan, katalinuhan, may kaalaman sa iba't ibang uri ng gawain, upang magdibuho ng magagandang disenyo, upang gumawa sa ginto, sa pilak, at sa tanso, upang umukit ng mga batong pang-enggaste, upang gumawa ng mga nililok na kahoy, at upang gumawa sa lahat ng sari-saring gawain.