Mga Awit 74:4-7
Mga Awit 74:4-7 MBB05
Ang loob ng iyong templo'y hindi nila iginalang, sumisigaw na nagtayo ng kanilang diyus-diyosan. Ang lahat ng nasa loob na yari sa mga kahoy, magmula sa pintuan mo'y sinibak at pinalakol. Ang lahat ng inukitang mga kahoy sa paligid, pinalakol at dinurog ng kaaway na malupit. Ang iyong banal na santuwaryo ay kanilang sinigaan, nilapastangan nila't winasak ang templong banal.





