Deuteronomio 4:15-19
Deuteronomio 4:15-19 MBB05
“Nang kayo'y kausapin ni Yahweh mula sa apoy sa Sinai, wala kayong nakitang anyo, kaya mag-ingat kayong mabuti. Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao, hayop sa ibabaw ng lupa, ibon, ng anumang gumagapang o ng anumang isda. Huwag ninyong sasambahin ang araw, buwan, bituin o alinmang bagay sa kalawakan na nilalang ni Yahweh para sa tao.





