Mateo 24:6-8
Mateo 24:6-8 ASD
Makakarinig kayo ng mga digmaan, at usap-usapan na may mga digmaan, ngunit huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang katapusan. Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at paglindol sa ibaʼt ibang lugar. Ang lahat ng itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating na maihahalintulad sa pasimulang sakit na nararanasan ng isang babaeng manganganak.





