YouVersion Logo
Search Icon

Mga Hebreo 12:1-2

Mga Hebreo 12:1-2 ASD

Samakatuwid, dahil napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Diyos, talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Diyos para sa atin. Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos.