Mga Hebreo 11:8-9
Mga Hebreo 11:8-9 ASD
Dahil sa pananampalataya, sinunod ni Abraham ang utos ng Diyos na pumunta sa lugar na ipinangako sa kanya. Umalis siya sa bayan niya kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Dahil din sa pananampalataya, nanirahan si Abraham sa lupaing ipinangako sa kanya ng Diyos kahit na sa tolda lang siya tumira na parang isang dayuhan. Tumira rin sa tolda ang anak niyang si Isaac at apong si Jacob, na mga tagapagmana rin ng pangako ng Diyos.