Mga Gawa 15:8-9
Mga Gawa 15:8-9 ASD
Alam ng Diyos ang nilalaman ng puso ng bawat tao. At ipinakita niya na tinatanggap din niya ang mga Hentil, dahil ibinigay din sa kanila ang Banal na Espiritu katulad ng ginawa niya sa atin noon. Walang pagtatanging ginagawa ang Diyos sa pagitan nating mga Hudyo at sa kanilang mga Hentil, dahil nilinis din niya ang kanilang puso nang sumampalataya sila.