1
Mateo 5:15-16
Magandang Balita Bible (Revised)
Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”
Compare
Explore Mateo 5:15-16
2
Mateo 5:14
“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.
Explore Mateo 5:14
3
Mateo 5:8
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.
Explore Mateo 5:8
4
Mateo 5:6
“Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila'y bubusugin.
Explore Mateo 5:6
5
Mateo 5:44
Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo
Explore Mateo 5:44
6
Mateo 5:3
“Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
Explore Mateo 5:3
7
Mateo 5:9
“Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
Explore Mateo 5:9
8
Mateo 5:4
“Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
Explore Mateo 5:4
9
Mateo 5:10
“Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
Explore Mateo 5:10
10
Mateo 5:7
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
Explore Mateo 5:7
11
Mateo 5:11-12
“Mapalad ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan nang dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.”
Explore Mateo 5:11-12
12
Mateo 5:5
“Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
Explore Mateo 5:5
13
Mateo 5:13
“Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?
Explore Mateo 5:13
14
Mateo 5:48
Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.”
Explore Mateo 5:48
15
Mateo 5:37
Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.”
Explore Mateo 5:37
16
Mateo 5:38-39
“Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong paghihigantihan ang masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.
Explore Mateo 5:38-39
17
Mateo 5:29-30
Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.”
Explore Mateo 5:29-30
Home
Bible
Plans
Videos