1
2 Mga Hari 6:17
Magandang Balita Bible (Revised)
At siya'y nanalangin, “Yahweh, buksan po ninyo ang kanyang paningin nang siya'y makakita.” Pinakinggan ni Yahweh ang kanyang panalangin at nakita ng katulong ni Eliseo na ang bundok ay punung-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Eliseo.
Compare
Explore 2 Mga Hari 6:17
2
2 Mga Hari 6:16
Sinabi ni Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kakampi kaysa kanila.”
Explore 2 Mga Hari 6:16
3
2 Mga Hari 6:15
Kinabukasan ng umaga, lumabas ang katulong ni Eliseo at nakita niya ang maraming kawal, ang mga kabayo at karwaheng nakapaligid sa lunsod. Sinabi niya, “Guro, paano tayo ngayon?”
Explore 2 Mga Hari 6:15
4
2 Mga Hari 6:18
Nang salakayin sila ng mga taga-Siria, nanalangin uli si Eliseo, “Yahweh, bulagin po ninyo sana sila.” At binulag nga ni Yahweh ang mga taga-Siria bilang sagot sa panalangin ni Eliseo.
Explore 2 Mga Hari 6:18
5
2 Mga Hari 6:6
Itinanong ni Eliseo, “Saang banda nahulog?” Nang ituro sa kanya kung saan nahulog, pumutol siya ng isang sanga ng kahoy. Inihagis niya iyon sa tubig, at lumutang ang talim ng palakol.
Explore 2 Mga Hari 6:6
6
2 Mga Hari 6:5
Nang pumuputol na sila ng kahoy, nahulog sa tubig ang talim ng palakol ng isa sa kanila. Sumigaw siya, “Guro, anong gagawin ko ngayon? Hiniram ko po lamang iyon.”
Explore 2 Mga Hari 6:5
7
2 Mga Hari 6:7
Sinabi ni Eliseo, “Kunin mo na.” Inabot naman iyon ng lalaki.
Explore 2 Mga Hari 6:7
Home
Bible
Plans
Videos