1
Mga Taga-Roma 12:2
Magandang Balita Biblia
Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.
Compare
Explore Mga Taga-Roma 12:2
2
Mga Taga-Roma 12:1
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.
Explore Mga Taga-Roma 12:1
3
Mga Taga-Roma 12:12
Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.
Explore Mga Taga-Roma 12:12
4
Mga Taga-Roma 12:21
Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Explore Mga Taga-Roma 12:21
5
Mga Taga-Roma 12:10
Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.
Explore Mga Taga-Roma 12:10
6
Mga Taga-Roma 12:9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti.
Explore Mga Taga-Roma 12:9
7
Mga Taga-Roma 12:18
Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman.
Explore Mga Taga-Roma 12:18
8
Mga Taga-Roma 12:19
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”
Explore Mga Taga-Roma 12:19
9
Mga Taga-Roma 12:11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon.
Explore Mga Taga-Roma 12:11
10
Mga Taga-Roma 12:3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.
Explore Mga Taga-Roma 12:3
11
Mga Taga-Roma 12:17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao.
Explore Mga Taga-Roma 12:17
12
Mga Taga-Roma 12:16
Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.
Explore Mga Taga-Roma 12:16
13
Mga Taga-Roma 12:20
Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”
Explore Mga Taga-Roma 12:20
14
Mga Taga-Roma 12:14-15
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.
Explore Mga Taga-Roma 12:14-15
15
Mga Taga-Roma 12:13
Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.
Explore Mga Taga-Roma 12:13
16
Mga Taga-Roma 12:4-5
Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa.
Explore Mga Taga-Roma 12:4-5
Home
Bible
Plans
Videos