1
Marcos 10:45
Magandang Balita Biblia
Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.”
Compare
Explore Marcos 10:45
2
Marcos 10:27
Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.”
Explore Marcos 10:27
3
Marcos 10:52
Sinabi ni Jesus, “Makakaalis ka na. Magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.” Noon di'y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.
Explore Marcos 10:52
4
Marcos 10:9
Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”
Explore Marcos 10:9
5
Marcos 10:21
Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, “May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo sa mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.”
Explore Marcos 10:21
6
Marcos 10:51
“Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” tanong sa kanya ni Jesus. Sumagot ang bulag, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.”
Explore Marcos 10:51
7
Marcos 10:43
Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo
Explore Marcos 10:43
8
Marcos 10:15
Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos, tulad sa pagtanggap ng isang bata, ay hinding-hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos.”
Explore Marcos 10:15
9
Marcos 10:31
Ngunit maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahúhulí ang mauuna.”
Explore Marcos 10:31
10
Marcos 10:6-8
Subalit simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang niya ang tao na lalaki at babae. ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, [magsasama sila ng kanyang asawa] at ang dalawa'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa.
Explore Marcos 10:6-8
Home
Bible
Plans
Videos