1
Mga Hukom 16:20
Magandang Balita Biblia
at kanyang sinabi, “Samson! May dumarating na mga Filisteo!” Nagtangkang bumangon si Samson sapagkat akala niya'y makakawala siyang tulad ng dati. Hindi pa niya namamalayang iniwan na siya ni Yahweh.
Compare
Explore Mga Hukom 16:20
2
Mga Hukom 16:28
At nanalangin si Samson, “Panginoong Yahweh, mahabag kayo sa akin. Isinasamo kong minsan pa ninyo akong palakasin upang sa pagkakataong ito'y makaganti ako sa mga Filisteo sa pagkadukot nila sa aking mga mata.”
Explore Mga Hukom 16:28
3
Mga Hukom 16:17
Kaya, sinabi na niya ang totoo, “Alam mo, mula sa pagkabata'y inilaan na ako sa Diyos bilang isang Nazareo. Ni minsa'y hindi pa nasasayaran ng panggupit ang aking buhok. Kaya, kapag naputol ang aking buhok, hihina akong tulad ng karaniwang tao.”
Explore Mga Hukom 16:17
4
Mga Hukom 16:16
Araw-araw ay iyon ang inuulit-ulit niya kay Samson hanggang sa mainis ito.
Explore Mga Hukom 16:16
5
Mga Hukom 16:30
at malakas na sinabi, “Mamamatay ako ngunit sama-sama tayong mamamatay!” Ibinuhos niya ang kanyang lakas at itinulak ang mga haligi. Gumuho ito at nabagsakan ang mga pinuno at lahat ng Filisteong naroon. Kaya, ang napatay ni Samson sa oras ng kanyang kamatayan ay mas marami pa kaysa noong siya'y nabubuhay.
Explore Mga Hukom 16:30
Home
Bible
Plans
Videos