Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi,
Pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao,
Sa mga pagkakatulog sa higaan;
Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao,
At itinatatak ang kanilang turo,
Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala,
At ikubli ang kapalaluan sa tao;
Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay,
At ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.