1
MGA AWIT 27:14
Ang Biblia, 2001
Maghintay ka sa PANGINOON; magpakalakas ka at magpakatapang ang iyong puso; oo, maghintay ka sa PANGINOON!
Compare
Explore MGA AWIT 27:14
2
MGA AWIT 27:4
Isang bagay ang hiningi ko sa PANGINOON, na aking hahanapin; na ako'y makapanirahan sa bahay ng PANGINOON, sa lahat ng mga araw ng aking buhay, upang mamasdan ang kagandahan ng PANGINOON, at sumangguni sa kanyang templo.
Explore MGA AWIT 27:4
3
MGA AWIT 27:1
Ang PANGINOON ay aking liwanag at aking kaligtasan; sino ang aking katatakutan? Ang PANGINOON ay muog ng aking buhay; sino ang aking kasisindakan?
Explore MGA AWIT 27:1
4
MGA AWIT 27:13
Ako'y naniniwala na aking masasaksihan ang kabutihan ng PANGINOON sa lupain ng mga nabubuhay!
Explore MGA AWIT 27:13
5
MGA AWIT 27:5
Sapagkat ako'y ikukubli niya sa kanyang kanlungan sa araw ng kaguluhan sa ilalim ng kanyang tolda ako'y kanyang itatago, at itataas niya ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
Explore MGA AWIT 27:5
Home
Bible
Plans
Videos