1
ISAIAS 11:2-3
Ang Biblia, 2001
At ang Espiritu ng PANGINOON ay sasakanya, ang diwa ng karunungan at ng unawa, ang diwa ng payo at ng kapangyarihan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon; at ang kanyang kalulugdan ay ang takot sa PANGINOON.
Compare
Explore ISAIAS 11:2-3
2
ISAIAS 11:1
May usbong na lalabas mula sa tuod ni Jesse, at sisibol ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat.
Explore ISAIAS 11:1
3
ISAIAS 11:4
Kundi sa katuwiran ay hahatulan niya ang dukha, at magpapasiya na may karampatan para sa maaamo sa lupa. Sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kanyang bibig, at sa hinga ng kanyang mga labi ay kanyang papatayin ang masama.
Explore ISAIAS 11:4
4
ISAIAS 11:5
Katuwiran ang magiging bigkis ng kanyang baywang, at katapatan ang pamigkis ng kanyang mga balakang.
Explore ISAIAS 11:5
5
ISAIAS 11:9
Hindi sila mananakit o maninira man sa aking buong banal na bundok: sapagkat ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng PANGINOON, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.
Explore ISAIAS 11:9
6
ISAIAS 11:6
At ang asong-gubat ay maninirahang kasama ng kordero, at mahihigang kasiping ng batang kambing ang leopardo, ang guya, ang batang leon, at ang patabain ay magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.
Explore ISAIAS 11:6
7
ISAIAS 11:10
At sa araw na iyon ang ugat ni Jesse ay tatayo bilang sagisag ng mga bayan, siya ay hahanapin ng mga bansa; at ang kanyang tirahan ay magiging maluwalhati.
Explore ISAIAS 11:10
Home
Bible
Plans
Videos