At ang PANGINOON ay sumagot sa akin:
“Isulat mo ang pangitain,
at gawin mong malinaw sa mga tapyas na bato,
upang ang makabasa niyon ay makatakbo.
Sapagkat ang pangitain ay naghihintay pa ng panahon nito;
at nagsasalita tungkol sa wakas—hindi ito magsisinungaling.
Kung ito'y parang mabagal ay hintayin mo;
ito'y tiyak na darating, hindi ito maaantala.