1
GENESIS 35:11-12
Ang Biblia, 2001
At sinabi ng Diyos sa kanya, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay lumago at magpakarami; isang bansa at maraming mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay magmumula sa iyo. Ang lupaing ibinigay ko kina Abraham at Isaac ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi pagkamatay mo.”
Compare
Explore GENESIS 35:11-12
2
GENESIS 35:3
Tayo'y umahon sa Bethel; at gagawa ako roon ng dambana para sa Diyos na sumagot sa akin sa araw ng aking kabalisahan at naging kasama ko saanman ako nagtungo.”
Explore GENESIS 35:3
3
GENESIS 35:10
Sinabi ng Diyos sa kanya, “Ang pangalan mo'y Jacob; hindi ka na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang magiging pangalan mo.” Kaya siya ay tinawag na Israel.
Explore GENESIS 35:10
4
GENESIS 35:2
Kaya't sinabi ni Jacob sa kanyang sambahayan, at sa lahat niyang kasama, “Alisin ninyo ang mga banyagang diyos na nasa inyo, at maglinis kayo ng inyong sarili, at palitan ninyo ang inyong mga suot.
Explore GENESIS 35:2
5
GENESIS 35:1
Sinabi ng Diyos kay Jacob, “Tumayo ka, umahon ka sa Bethel, at doon ka manirahan. Gumawa ka roon ng isang dambana para sa Diyos na nagpakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa iyong kapatid na si Esau.”
Explore GENESIS 35:1
6
GENESIS 35:18
Habang siya'y naghihingalo (sapagkat namatay siya), kanyang pinangalanan siyang Benoni; subalit tinawag siyang Benjamin ng kanyang ama.
Explore GENESIS 35:18
Home
Bible
Plans
Videos