1
I MGA TAGA TESALONICA 5:16-18
Ang Biblia, 2001
Magalak kayong lagi. Manalangin kayong walang patid. Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo.
Compare
Explore I MGA TAGA TESALONICA 5:16-18
2
I MGA TAGA TESALONICA 5:23-24
Pakabanalin nawa kayong lubos mismo ng Diyos ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
Explore I MGA TAGA TESALONICA 5:23-24
3
I MGA TAGA TESALONICA 5:15
Tiyakin ninyo na ang sinuman ay huwag gumanti ng masama sa masama, kundi lagi ninyong naisin ang mabuti para sa isa't isa at sa lahat.
Explore I MGA TAGA TESALONICA 5:15
4
I MGA TAGA TESALONICA 5:11
Dahil dito, pasiglahin ninyo ang isa't isa at patibayin ang isa't isa, gaya ng inyong ginagawa.
Explore I MGA TAGA TESALONICA 5:11
5
I MGA TAGA TESALONICA 5:14
Mga kapatid, aming isinasamo sa inyo, na inyong pangaralan ang mga tamad, palakasin ang mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging matiisin kayo sa lahat.
Explore I MGA TAGA TESALONICA 5:14
6
I MGA TAGA TESALONICA 5:9
Sapagkat tayo'y hindi itinalaga ng Diyos sa galit, kundi sa pagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo
Explore I MGA TAGA TESALONICA 5:9
7
I MGA TAGA TESALONICA 5:5
Sapagkat kayong lahat ay pawang mga anak ng liwanag at mga anak ng araw; tayo'y hindi ng gabi ni ng kadiliman man.
Explore I MGA TAGA TESALONICA 5:5
Home
Bible
Plans
Videos