1
I MGA TAGA-CORINTO 2:9
Ang Biblia, 2001
Subalit kagaya ng nasusulat, “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya.”
Compare
Explore I MGA TAGA-CORINTO 2:9
2
I MGA TAGA-CORINTO 2:14
Ngunit ang taong hindi ayon sa espiritu ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga iyon ay kahangalan sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, sapagkat ang mga iyon ay nauunawaan sa pamamagitan ng espiritu.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 2:14
3
I MGA TAGA-CORINTO 2:10
Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa amin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu; sapagkat sinisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, maging ang malalalim na mga bagay ng Diyos.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 2:10
4
I MGA TAGA-CORINTO 2:12
Ngayon ay aming tinanggap, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang Espiritung mula sa Diyos, upang aming malaman ang mga bagay na walang bayad na ibinigay sa amin ng Diyos.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 2:12
5
I MGA TAGA-CORINTO 2:4-5
Ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng mapang-akit na mga salita ng karunungan, kundi sa pagpapamalas ng Espiritu at ng kapangyarihan, upang ang inyong pananampalataya ay huwag maging batay sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
Explore I MGA TAGA-CORINTO 2:4-5
Home
Bible
Plans
Videos