1
Mga Taga-Colosas 3:13
Magandang Balita Biblia (2005)
Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.
Compare
Explore Mga Taga-Colosas 3:13
2
Mga Taga-Colosas 3:2
Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa
Explore Mga Taga-Colosas 3:2
3
Mga Taga-Colosas 3:23
Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao.
Explore Mga Taga-Colosas 3:23
4
Mga Taga-Colosas 3:12
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbabá, mahinahon, at mapagtiis.
Explore Mga Taga-Colosas 3:12
5
Mga Taga-Colosas 3:16-17
Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.
Explore Mga Taga-Colosas 3:16-17
6
Mga Taga-Colosas 3:14
At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa.
Explore Mga Taga-Colosas 3:14
7
Mga Taga-Colosas 3:1
Binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, kaya't ang pagtuunan ninyo ng isip ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.
Explore Mga Taga-Colosas 3:1
8
Mga Taga-Colosas 3:15
Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.
Explore Mga Taga-Colosas 3:15
9
Mga Taga-Colosas 3:5
Kaya't dapat nang mawala sa inyo ang mga pagnanasang makalaman, ang pakikiapid, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
Explore Mga Taga-Colosas 3:5
10
Mga Taga-Colosas 3:3
sapagkat namatay na kayo at ang inyong tunay na buhay ay natatago sa Diyos, kasama ni Cristo.
Explore Mga Taga-Colosas 3:3
11
Mga Taga-Colosas 3:8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita.
Explore Mga Taga-Colosas 3:8
12
Mga Taga-Colosas 3:9-10
Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala.
Explore Mga Taga-Colosas 3:9-10
13
Mga Taga-Colosas 3:19
Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.
Explore Mga Taga-Colosas 3:19
14
Mga Taga-Colosas 3:20
Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.
Explore Mga Taga-Colosas 3:20
15
Mga Taga-Colosas 3:18
Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoon.
Explore Mga Taga-Colosas 3:18
Home
Bible
Plans
Videos