1
1 Mga Taga-Corinto 13:4-5
Magandang Balita Biblia (2005)
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.
Compare
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:4-5
2
1 Mga Taga-Corinto 13:7
Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:7
3
1 Mga Taga-Corinto 13:6
Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:6
4
1 Mga Taga-Corinto 13:13
Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:13
5
1 Mga Taga-Corinto 13:8
Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan.
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:8
6
1 Mga Taga-Corinto 13:1
Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag.
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:1
7
1 Mga Taga-Corinto 13:2
Kung ako man ay may kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya na anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit kung wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:2
8
1 Mga Taga-Corinto 13:3
At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:3
9
1 Mga Taga-Corinto 13:11
Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.
Explore 1 Mga Taga-Corinto 13:11
Home
Bible
Plans
Videos