1
Isaias 9:6
Ang Salita ng Dios
Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.”
Compare
Explore Isaias 9:6
2
Isaias 9:2
Nabubuhay sa kadiliman ang mga tao roon, ngunit makakakita sila ng matinding liwanag. Kahit nasa kadiliman sila at natatakot mamatay, maliliwanagan sila.
Explore Isaias 9:2
3
Isaias 9:7
Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng PANGINOONG Makapangyarihan na matutupad ito.
Explore Isaias 9:7
4
Isaias 9:5
Matutuwa sila dahil matitigil na ang mga digmaan. Susunugin na ang mga uniporme ng mga sundalo na puno ng dugo, pati ang kanilang mga bota.
Explore Isaias 9:5
5
Isaias 9:1
Pero darating ang araw na mawawala rin ang kadiliman sa lupaing nasa kahirapan. Noong una, inilagay ng PANGINOON sa kahihiyan ang lupain ng Zebulun at Naftali. Pero darating ang araw na pararangalan niya ang mga lugar na ito na daanan patungo sa lawa at nasa kabila ng Ilog ng Jordan. Ang mga lugar na itoʼy sakop ng Galilea at tinitirhan ng mga hindi Judio.
Explore Isaias 9:1
6
Isaias 9:3
PANGINOON, bigyan nʼyo po sila ng malaking kagalakan, at matutuwa sila sa presensya nʼyo katulad ng mga taong natutuwa kapag panahon na ng anihan, o katulad din ng mga taong nagdiriwang sa paghahati-hati nila ng mga nasamsam sa digmaan.
Explore Isaias 9:3
7
Isaias 9:4
Sapagkat palalayain nʼyo sila sa mga umaapi sa kanila. Magiging katulad sila ng mga hayop na binali nʼyo ang pamatok na kahoy na pasan-pasan nila at ang pamalo na ipinapalo sa kanila. Gagawin nʼyo po sa kanila ang ginawa nʼyo noon nang lupigin nʼyo ang mga taga-Midian.
Explore Isaias 9:4
Home
Bible
Plans
Videos