1
Mga Hebreo 10:25
Ang Salita ng Diyos
ASD
Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.
Compare
Explore Mga Hebreo 10:25
2
Mga Hebreo 10:24
At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan.
Explore Mga Hebreo 10:24
3
Mga Hebreo 10:23
Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, sapagkat ang Diyos na nangako sa atin ay tapat.
Explore Mga Hebreo 10:23
4
Mga Hebreo 10:36
Kailangan ninyong magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos, at matanggap ninyo ang ipinangako niya.
Explore Mga Hebreo 10:36
5
Mga Hebreo 10:22
lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Hesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.
Explore Mga Hebreo 10:22
6
Mga Hebreo 10:35
Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo.
Explore Mga Hebreo 10:35
7
Mga Hebreo 10:26-27
Sapagkat kung sasadyain pa nating magpatuloy sa paggawa ng kasalanan pagkatapos nating malaman ang katotohanan, wala nang handog na maiaalay pa upang mapatawad ang mga kasalanan natin. Tanging ang kakila-kilabot na paghuhukom at nagliliyab na apoy ang naghihintay sa mga taong kumakalaban sa Diyos.
Explore Mga Hebreo 10:26-27
Home
Bible
Plans
Videos