Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: seksuwal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, pagsamba sa mga diyos-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkainggit, pagkamakasarili, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.