1
Mangangaral 5:2
Ang Salita ng Dios
Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka mangako sa Dios. Tandaan mo na ang Dios ay nasa langit at ikaw ay nandito sa lupa. Kaya mag-ingat ka sa pagsasalita.
Compare
Explore Mangangaral 5:2
2
Mangangaral 5:19
Binibigyan ng Dios ang bawat tao ng mga pag-aari at kayamanan. Hinahayaan niyang pakinabangan nila ang mga ito para matanggap nila ang para sa kanila at magpakasaya sa mga pinaghirapan nila. Ito ang regalo ng Dios sa kanila.
Explore Mangangaral 5:19
3
Mangangaral 5:10
Ang taong maibigin sa pera at iba pang kayamanan, kailanman ay hindi masisiyahan. Wala rin itong kabuluhan.
Explore Mangangaral 5:10
4
Mangangaral 5:1
Mag-ingat ka sa ikikilos mo kung pupunta ka sa templo ng Dios. Mas mabuting pumunta ka roon na handang sumunod sa Dios, kaysa sa maghandog na gaya ng paghahandog ng isang mangmang na hindi alam kung ano ang mabuti at masama.
Explore Mangangaral 5:1
5
Mangangaral 5:4
Kapag nangako ka sa Dios, tuparin mo agad ito. Tuparin mo ang ipinangako mo sa kanya dahil hindi siya natutuwa sa mga hangal na hindi tumutupad sa mga pangako.
Explore Mangangaral 5:4
6
Mangangaral 5:5
Mas mabuti pang huwag ka na lang mangako kaysa mangako ka at hindi mo naman tutuparin.
Explore Mangangaral 5:5
7
Mangangaral 5:12
Mahimbing ang tulog ng isang manggagawa, marami man o kaunti ang pagkain niya; pero ang mayaman, hindi makatulog nang mahimbing dahil sa kanyang kayamanan.
Explore Mangangaral 5:12
8
Mangangaral 5:15
Kung paanong hubad tayong ipinanganak mula sa sinapupunan ng ating ina, hubad din tayong mamamatay. Hindi natin madadala ang ating mga pinaghirapan.
Explore Mangangaral 5:15
Home
Bible
Plans
Videos