1
2 Hari 2:9
Ang Salita ng Dios
Pagkatawid nila, sinabi ni Elias kay Eliseo, “Bago ako kunin sa iyo, sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo.” Sumagot si Eliseo, “Gusto kong ipamana mo sa akin ang dobleng bahagi ng iyong kapangyarihan.”
Compare
Explore 2 Hari 2:9
2
2 Hari 2:11
Habang naglalakad sila na nagkukwentuhan, biglang may dumating na karwaheng apoy na hinihila ng mga kabayong apoy. Dumaan ito sa gitna nila na nagpahiwalay sa kanila, at biglang dinala si Elias papuntang langit sa pamamagitan ng isang ipu-ipo.
Explore 2 Hari 2:11
3
2 Hari 2:10
Sinabi ni Elias, “Mahirap ang hinihiling mo. Pero, matatanggap mo ito kung makikita mo ako habang kinukuha sa harap mo, kung hindi mo ako makikita, hindi mo matatanggap ang hinihiling mo.”
Explore 2 Hari 2:10
4
2 Hari 2:14
Hinampas niya ang tubig ng balabal ni Elias at sinabi, “Nasaan na ang PANGINOON, ang Dios ni Elias?” Nang ginawa niya iyon, nahawi ang tubig at tumawid siya.
Explore 2 Hari 2:14
5
2 Hari 2:12-13
Nakita ito ni Eliseo at sumigaw siya, “Ama ko! Ama ko! Ang mga karwahe at mangangabayo ng Israel!” At hindi na niya nakita si Elias. Pagkatapos, pinunit niya ang kanyang damit bilang pagpapakita ng kalungkutan niya. Dinampot niya ang balabal ni Elias na nahulog, at bumalik siya sa tabi ng Ilog ng Jordan at tumayo roon.
Explore 2 Hari 2:12-13
6
2 Hari 2:8
Hinubad ni Elias ang balabal niya, inirolyo ito at inihampas sa tubig. Nahawi ang tubig at tumawid silang dalawa sa tuyong lupa.
Explore 2 Hari 2:8
7
2 Hari 2:1
Nang oras na kukunin na ng PANGINOON si Elias para dalhin sa langit sa pamamagitan ng isang ipu-ipo, naglalakad sina Elias at Eliseo galing sa Gilgal.
Explore 2 Hari 2:1
Home
Bible
Plans
Videos